Muli na namang pinag-usapan ng mga netizen ang dalawang birthday message na ibinahagi sa Instagram ng komedyanteng si Dennis Padilla para sa 23 anyos na anak na si Claudia Barretto, subalit tila dedma lamang ito at walang tugon o acknowledgement.

Noong Miyerkules, Hulyo 26 ay kaarawan ng kapatid nina Julia Barretto at Leon Barretto. Dalawang Instagram posts ang inilaan ni Dennis para sa kaniyang anak.

"Dearest Claui… Happy birthday anak… Miss you… God bless you more!!" saad ni Dennis, kalakip ang litrato ni Claudia noong bata pa.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Sa sumunod na Instagram post, kasama naman niya sa litrato ang maliit pang si Claudia.

"Happiiii bday anak… God bless you more Claui… Love you."

Ngunit kapansin-pansing walang komento si Claudia rito.

Sa kabilang banda, nagbigay rin ng sweet birthday message ang kaniyang inang si Marjorie Barretto.

"Beauty, intelligence, wit, humor, hard worker, determined, strives for perfection, organized, full of grace and strength. That is Claudia to me and her siblings."

"You have been living your life to the fullest and you deserve it, Clau because you have proven to be independent and very responsible. What an epic year it has been for you."

"Happy Happy 23rd Birthday my love. I'm proud and blessed to be your Mom. You don't need me much anymore but you know how I am just behind you praying and rooting for you!"

Sa comment section, tumugon dito si Claudia.

"Will always need you mom! I love you!"

Matatandaang kamakailan lamang ay pinag-usapan ang paghihimutok ni Dennis nang hindi umano siya maalalang batiin ng mga anak noong Father's Day.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/23/dennis-padilla-nagtampo-kina-julia-leon-at-claudia-dahil-hindi-siya-binati-noong-fathers-day/">https://balita.net.ph/2022/06/23/dennis-padilla-nagtampo-kina-julia-leon-at-claudia-dahil-hindi-siya-binati-noong-fathers-day/

Bagay na pinalagan naman ng anak na si Leon at naghandog ng open letter para sa ama.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/26/leon-sa-amang-si-dennis-is-public-sympathy-really-more-important-than-your-own-children/">https://balita.net.ph/2022/06/26/leon-sa-amang-si-dennis-is-public-sympathy-really-more-important-than-your-own-children/

Isang open letter naman ang sagot ni Dennis sa anak, bagay na binura din niya pagkatapos.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/03/nahimasmasan-dennis-binura-ang-open-letter-sa-mga-anak-tugon-kay-leon/">https://balita.net.ph/2022/07/03/nahimasmasan-dennis-binura-ang-open-letter-sa-mga-anak-tugon-kay-leon/

Ayon kay Marjorie, darating din ang takdang panahon na magsasalita siya at ipaliliwanag ang dahilan kung bakit "malamig" ang pakikitungo ng mga anak sa kanilang ama.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/27/marjorie-magsasalita-sa-takdang-panahon-mga-anak-bakit-nga-ba-dinededma-si-dennis/">https://balita.net.ph/2022/06/27/marjorie-magsasalita-sa-takdang-panahon-mga-anak-bakit-nga-ba-dinededma-si-dennis/