Nakapokus umano sa kaniyang career ang dating Kapamilya child star na si Awra Briguela kaya wala umano siyang balak pang pasukin ang magjojowa, ayon sa panayam sa kaniya ng isang entertainment site, kaugnay ng bago nilang digital series na "Lyric and Beat" sa iWant TFC.

Bagama't takot magka-jowa, hindi naman siya bukas sa ideyang magkakaroon siya ng isang taong magiging inspirasyon niya balang-araw.

"I don't have a jowa, I don't have a suitor, wala akong nakakausap. They know me, I am the most open book person and shine-share ko talaga sa followers ko kapag nagkakaroon ako ng inspiration, kahit hindi pa boyfriend, pina-public ko na agad," ani Awra.

Takot na raw magka-jowa ulit si Awra at ang nais na lamang niya ay "boy bestfriend".

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Anyway, masaya ngayon si Awra dahil kahit walang lovelife, bumobongga naman ang showbiz career niya dahil in fairness ay hindi siya nawawalan ng proyekto.

Kamakailan lamang ay pinag-usapan ang pagbibigay niya ng pabuya sa nagnakaw umano ng kaniyang mamahaling cellphone, nang manood siya ng volleyball game sa SM Mall of Asia.

"Again sa kumuha ng phone pakibalik na lang po kasi hindi n'yo rin po talaga 'yan mapapakinabangan. I will give you cash pa po pag binalik n'yo. Yung 5k na nakuha then dodoblehin ko, you can dm me promise hindi ko expose kung sino ka. Sobrang dami lang important files sa phone," ani Awra. 

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/23/awra-briguela-nanakawan-ng-cp-sa-moa-arena-i-will-give-you-cash-pa-po-pag-binalik-nyo/">https://balita.net.ph/2022/06/23/awra-briguela-nanakawan-ng-cp-sa-moa-arena-i-will-give-you-cash-pa-po-pag-binalik-nyo/