Tawang-tawa ang bagong kasal na sina Hidilyn Diaz at Coach Julius Naranjo nang lumabas sila sa tinutuluyang hotel sa Baguio City upang mag-evacuate, matapos ang pagtama ng napakalakas na lindol kahapon, Hulyo 27, sa Hilagang bahagi ng Pilipinas.

Ibinahagi ni Hidilyn sa kaniyang Instagram story ang kanilang paglikas, na may text caption na "earthquake".

Sa Instagram video naman ng talent manager na si Noel Ferrer, nakuhanan niya ng video ang mag-asawa, na tawang-tawa sa kanilang mga sarili matapos ligtas na makalabas mula sa tinutuluyang hotel. Katatapos lamang kasi ng kanilang kasal, at nasa honeymoon stage na sila.

Mapapansing nakasuot na lamang ng roba si Hidilyn habang ang mister naman ay nakaitim na slacks pa at panloob na ginamit sa kasal.

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

"Akala ko si Julius yung gumagalaw," natatawang sabi ni Hidilyn sa tanong ni Noel kung ano raw ang pakiramdam na katatapos lamang ng kasal nila, heto't nilindol sila.

Naging palabiro naman ang mga netizen dahil tila "sinisi" pa sa kanila ang lindol, lalo't nasa Baguio sila nang mga oras na iyon, at doon sa Norte nagmula ang pagyanig.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/27/mga-pasaway-na-netizen-sinisi-ang-lindol-sa-bagong-kasal-na-sina-hidilyn-coach-julius/">https://balita.net.ph/2022/07/27/mga-pasaway-na-netizen-sinisi-ang-lindol-sa-bagong-kasal-na-sina-hidilyn-coach-julius/

Nagbiro na rin dito ang "Eat Bulaga" host na si Ryan Agoncillo.

"Iba ang unang gabi ng Olympians. Niyanig ang mundo!" aniya.

Narito naman ang iba pang komento ng mga netizen.

"You had your own earthquake in the comfort of your room I’m sure inaanak Hidilyn and Julius!"

"Earthquake Olympian version!!"

"Kaya pala me lindol weightlifter ba naman ang nag-honeymoon."

"Umabot sa buong Luzon and earthquake sa room nila😀 #heavyweights."

Samantala, ligtas namang nakabalik sa Maynila ang mag-asawa batay sa update ni Hidilyn sa kaniyang Instagram stories.