Pinawi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang pangamba ng publiko sa posibleng pagtama ng tsunami sa bansa kasunod ng naramdamang 7.3-magnitude na lindol sa Lagangilang, Abra nitong Miyerkules ng umaga.

"Wala po tsunami 'yan, wala pong tsunami," paniniyak ni Phivolcs chief Renato Solidum nang kapanayamin sa telebisyon.

Aniya, batay lang ito sa kanilang datos, gayunman, posibleng magkaroon ng hindi karaniwang sea level disturbances malapit sa sentro ng lindol sa Abra.

Sa kabila nito, binalaan pa rin ng Phivolcs ang publiko na maging alerto sa inaasahang aftershocks ng lindol.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Bukod sa Lagangilang sa Abra, naramdaman din ang pagyanig sa Metro Manila at ilang pang karatig lugar nito, kabilang na ang Nueva Ecija.