ZAMBOANGA CITY - Natimbog ng pulisya ang isang pinaghihinalaang miyembro Abu Sayyaf Group (ASG) sa isinagawang pagsalakay sa Barangay Buenavista nitong Martes.

Hawak na ng mga awtoridad ang bandidong si Rajak Amajad, 29, taga-Brgy. Muti, Zamboanga City, kasunod ng pagkakaaresto nito sa pinagtataguan sa Sitio Tambayot, dakong 10:00 ng gabi ng Hulyo 26, ayon kay Col. Richard Verceles, operations chief ng Area Police Command-Western Mindanao.

Aniya, hawak ng mga arresting officer ang warrant of arrest laban kay Amajad dahil sa patung-patong na kaso ng attempted murder na may inirekomendang piyansang P120,000 para sa pansamantalang kalayaan nito.

Si Amajiad na kabilang sa 10 most wanted sa lungsod ay taga-suporta ni ASG sub-leader Jamih Nasalon na nag-o-operate sa Zamboanga Peninsula.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Konektado rin umano si Amajad kay kidnap-for-ransom group leader Marzan Ajijul na nakabase sa lungsod, ayon pa sa pulisya.

PNA

ReplyForward