Aprub kay Manay Lolit Solis ang kamakailang pagiging kaswal lang ni dating Manila Mayor Isko Moreno ukol sa pagiging ama ng kaniyang 20-anyos na anak na si Joaquin.

Matatandaan sa isang artikulo ngModern Parentingnitong Lunes, ibinahagi ni Isko ang kaniyang pagiging isang ganap nang lolo.

Pagdedetalye ng dating alkalde, kamukha niya ang unang supling ni Joaquin at ng hindi pinangalanang girlfriend nito.

Sey ni Manay, “Maganda naman Salve iyon ginawa nila Isko Moreno na hindi inilihim iyon baby ng kanyang anak.”

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Dagdag niya, nakapanghihinayang nga ang showbiz career ni Joaquin bilang isang baguhang aktor ngunit “mas pangit naman na ilihim ang isang inosenteng bata.

Isang maningning na artista ng Sparkle ng GMA Network si Joaquin na huling bumida sa seryeng “First Yaya/Lady.”

“Kahit ano naman ang tago mo sa isang sekreto, lalabas at lalabas din ang totoo. Kung talagang sisikat ka, kahit ano pa ang mangyari, sisikat ka pa rin. Mas mabuti nang honest ka at walang itinatago, walang isusumbat sa iyo later on. Good job Isko Moreno, honesty is the best policy,” sey ni Manay.