Ibinahagi ni Kapamilya actress-host Kim Chiu ang nakuhanan niyang video ng pagyugyog ng mga chandeliers sa loob ng kaniyang bahay, habang lumilindol ngayong umaga, Hulyo 27, 2022.

Makikita sa video na nai-tweet ni Kim ang malakas na pag-alog ng mga ilaw. Inakala raw niyang nasa maalon siyang dagat dahil sa malakas na yanig.

"Eto lang na video ko sa pagka over over ng lindol!!!!!!!!😱😱😱 ang tagal and nakakatakot sa lakas ah!!!!! Akala ko nasa dagat ako na sobrang ma alon! I kennot!🙈🙈🙈 kamusta kayo? Naramdaman nyo din ba sa area nyo?" caption ni Kim.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

https://twitter.com/prinsesachinita/status/1552094797720039429

Maririnig naman sa video ang pahayag ni Kim.

"Hala ang lakas ng lindol! Oh my gosh! Oh my gosh, I'm scared. OMG."

Naitala ang magnitude 7.3 na lindol sa Lagangilang, Abra, 7.1-magnitude naman sa Dolores, Cordillera, at 6.8-magnitude naman sa Ilocos Norte, ayon sa Phivolcs.

Pinag-iingat naman ang lahat sa aftershocks.