Nanlaki ang mga mata ng mga netizen at kasamahang celebrities ni Kapuso hunk actor Derrick Monasterio sa ipinasilip niyang larawan nila ng aktres na si Elle Villanueva habang nasa dalampasigan.

Kahit na nasa tabing-dagat ay nag-aapoy naman ang litrato ng dalawa, bilang mga character sa upcoming afternoon series ng GMA na "Return to Paradise" kung saan makakasama nila ang nagbabalik-Kapusong si Eula Valdez.

"Fortunate enough to have witnessed first hand these characters’ journey," pahayag ni ni Derrick sa caption.

Sa isang litrato, makikitang naka-topless si Derrick at ang dumi-dumi dahil sa mga buhangin.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ang pangalawang litrato naman ay talagang nakapagpainit sa mga netizen dahil nakabukakang nakakandong si Elle kay Derrick.

Nagkomento naman dito ang Kapuso actor-dancer na si Rodjun Cruz, na kapatid ni Rayver Cruz.

"Wasak!" saad nito.

Mula rito ay nagkomento naman ang mga netizen.

"Ahahahhaa sana all mawasak."

"Grabe naman yung maka-wasak haha. Swak na swak!"

"Wasak ka jan hahaha".

"Wasak talaga hunk idol."

"Salamat po sa ayuda! Haha."

Mapapanood na ito sa Agosto 1, sa GMA Afternoon Prime.