Matapos maintriga ng ilang netizens kung sino sa kanilang dalawa ni Comedy Queen Ai-Ai delas Alas ang mas magaling sa larangan ng komedya, diretsang nagbigay ng saloobin si Mamang Pokwang.

“Naku kayo mga Marites mga chikadora kayo ha. Iniintriga niyo kami ni Ms. Ai-Ai,” agad na reaksyon ni Pokwang sa isyu, sa isang panayam ng GMA.

“Magaling si Ms. Ai-Ai kaya nga siya Comedy Queen ‘di ba? Alam niyo na ‘yan. Meron kaming kaniya-kaniyang katangian [na] nagugustuhan ng aming mga followers na ikinatutuwa naman namin,” sey ni Mamang.

Dagdag niya pareho silang may angking kakayahan ng kapwa Kapuso comedian.

Anne Curtis, pinag-birthday concert sa 'Showtime' nang hindi handa

“Magiging Ai-Ai ba siya kung hindi siya magaling? Magiging Pokwang ba ako kung wala rin akong alam. 'Di ba po ganurn yon?”

Noong Abril, unang nakumpara si Pokwang at Ai-Ai sa isang pahayag ng actor-singer na si Audie Gemora.

Aniya, mas nakakatawa at mas matalino raw ang Kapuso comedian na si Pokwang kaysa kay Ai-Ai, bagay na ipinagkibit-balikat lang ng Comedy Queen.

Basahin: Pokwang, mas nakakatawa at mas matalino raw kaysa kay Ai Ai, sey ni Audie Gemora – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid