Isang matamis na mensahe ang ipinaskil ni Kapuso actor Rodjun Cruz para sa TV host, at asawang si Dianne Medina, mahigit 15 taon matapos siyang sagutin ng aktres.

“Ang bilis ng panahon. Hindi ko namamalayan dahil every day mas lalo pa akong na-i-inlove sa'yo at habang tumatagal mas lalo ka pang gumaganda. Crush na crush pa rin kita,” mababasa sa Instagram post ni Rodjun noong Sabado, Hulyo 23 kalakip ang throwback pictures nila ni Dianne.

View this post on Instagram

A post shared by Rj Cruz Ilustre (@rodjuncruz)

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

“Thankful ako every day kay Lord Dahil binigay ka niya sakin. Simula ng maging tayo, ikaw ang nag bibigay kulay at nagpapaikot sa mundo ko. Happy 180th monthsary wife wife! I love you so much @dianne_medina!😘👸🏼” dagdag ni Rodjun.

Isang "simple celebration" na pinagsaluhan ng mag-asawa kasama ang pamilya ang ibinahagi rin ni Rodjun sa kaniyang Instagram.

Kasalukuyang may isang supling sina Dianne at Rodjun sa katauhan ng higit isang taong-gulang na si Joaquin Ilustre

Noong Diyembre 2019 ikinasal ang celebrity couple.