Nagsilbing "performer of the day" ang young rap artist na si JSE Morningstar sa morning show ng PTV network na "Rise and Shine Pilipinas" noong Biyernes, Hulyo 22, subalit tila hindi yata nagustuhan ng mga bagong gising na manonood ang kaniyang rap performance.

Inawit ni JSE Morningstar ang viral song niyang "Pinagpalit" sa morning show. Bagama't may mga pumuri sa kaniya, mas marami naman ang nagpaulan ng puna sa paraan niya ng pag-awit.

"Hahahaha tang*nang performance 'yan!"

"Mas ok pa ata toh kung binasa mo na lang… ako ay nag-rap pero masakit sa tenga."

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

"Ang galing mag-rap buti di ka nahirapan huminga… Kung nahihirapan ka na, tigil mo na."

"Merong rap na pangitit, meron din rap na masakit sa tenga pero ito pinagsama."

"Kaya 'yan sa live.. Dapat diniinan niya yung boses niya at nilagyan ng konting angas. Para magka-hype kahit paano. Kaya kung ma- auto tune ka. Dapat may alam kang ibang side para sa live. Kinakanta na ng iba 'yan. Better luck next time…"

May mga netizen naman ang nagpayo sa rapper na gamitin niyang inspirasyon ang mga natamong bash upang mapaunlad pa ang kaniyang sarili sa pagra-rap.

"Grabe cyber bullying dito! Kala mo naman peperfect eh! Ayusin mo na lang sa susunod kuya, and show them what you've got!"

"Tuloy mo lang tol, yung bash sa'yo, 'yan gamitin mo na motivation to improve!"

"I think he just needs more training and practice. From the way he’s moving it’s clear that he’s an amateur and still not confident enough to perform with high level of energy."

"Grabe na yung Pinas, kaya masyadong nawawalan ng confidence yung mga ibang local rapper dahil din sa mga utak-perpekto HAHAHAHAHA. Malala na kayo, next time abutin n'yo muna mga naabot ng local rappers na naghihirap gumawa ng kanta. Masyado harsh mga tao jusko ang perfect n'yo lahat HAHAAHHAAHA! Kudos JSE Morningstar, MILLION ang nakinig. Wala ka daw mararating, eH di wag mo din sila isama sa mga mararating mo!! EYYYY PROUD OF YOU MAN!!!"

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag tungkol dito si JSE Morningstar.

&t=2s