CAMP MELCHOR F DELA CRUZ, Upi, Gamu, Isabela -- Natukoy na ng militar ang anim sa walong bangkay ng mga miyembro ng teroristang Isabela Provincial Committee, Regional Committee -- Cagayan Valley na narekober sa Barangay Canadam, Maconacon, Isabela kamakailan.

Sa ulat ng 502nd Infantry Brigade, kinilala ang mga bangkay na sina Willy Baltazar alyas Brad, residente ng Barangay Rizal, San Guillermo, Isabela; Junjun alyas Bamboo, residente ng San Mariano, Isabela; Raffy Valencia alyas Rigid, residente ng bayan ng Amulung Cagayan; Jestoni Peregrido alyas Marco ng Gubat Sorsogon; Angelo Miguel Del Rosario alyas Bryan ng Bacoor Cavite; at Mario Agustin alyas Eloy.

Inaalam pa ng militar ang pagkakakilanlan ni alyas Dondon at alyas Monmon.

Base sa kanilang inisyal na impormasyon, kapwa mula sa rehiyon ng Mindanao ang dalawa.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

"At the moment we are continuing our communication with their respective families and informing them of what happened to their relatives at the hands of the terrorist group," saad ni BGen Danilo Benavides, Brigade Commander ng 502nd Infantry Brigade.

"Sa senaryong ito, nawa'y mabuksan na ang mga mata ng natitira pang mga miyembro ng teroristang NPA. Magbalik-loob na kayo sa ating pamahalaan at mamuhay ng matiwasay kasama ang inyong pamilya. Huwag na ninyong hintayin na kayo ay kanila pang paglalamayan bago kayo magkasama ng inyong mga mahal sa buhay," dagdag ni Benavides.

Matatandaang noong ika-3 ng Hulyo, tatlong bangkay ng mga teroristang NPA ang narekober ng 95th Infantry Battalion na sinundan ng pagkarekober ng limang iba pa noong ika-8 ng parehong buwan.

Ang mga dating rebelde ang nagbunyag ng impormasyon dahilan para marekober ang mga bangkay.