Si Sam Coloso ng Parañaque City ang kauna-unahang nagwagi sa segment na "Showtime Sexy Babe" na ginanap nitong Sabado, Hulyo 23, para sa kanilang "Sexiest Grand Finals".

Bilang Grand Winner, naiuwi niya ang papremyong ₱500K cash prize, isang negosyo package na may halagang ₱150K mula sa Seoul Sahara, at jewelry package na may halagang ₱100,000 mula sa Manila Diamond Studio.

First Runner-up naman si Morena Carlos na may cash prize na ₱300K habang si Jubilyn Sabino naman ang Second Runner-up na nag-uwi ng ₱100K. Si Jubilyn din ang nakakuha ng "Best Rampa" award.

Nakapasok naman sa Top 10 ang mga Sexy Babes na sina Maxine Abliter, Micah Salunga, Weam Ahmed, Johaira Moris, Zoe Cameron, Ercy Tiongson, at Joanna Limbaro.

Tsika at Intriga

Olats sa politika: Luis, nagtanong alin sa shows niya trip ibalik ng netizens

Nagsilbing hurado naman ang Sexy Authoriteam members na sina mainstay judge at beauty queen Ruffa Gutierrez, Kapamilya actor Jake Cuenca, racing driver Marlon Stockinger, Miss International Queen 2022 Fuschia Ravena, PBA player Shaun Ildefonso, fashion designer Michael Leyva, at actress-talent manager Annabelle Rama.

Nanaig naman ang sagot ni Coloso sa tanong sa kaniya sa Q&A ni Rama tungkol sa aral na puwedeng makuha ng older generation sa konsepto ng pagiging sexy sa kasalukuyang panahon.

“Siguro ang dapat matutunan ng inyong henerasyon sa image of beauty is there is no standard anymore. We set that standard for ourselves. Noon, pina-follow natin ’yung dating beauty standards na kailangan natin magpaputi, na kailangan natin magpaliit ng waist,” aniya.

“But this time, beauty is diverse. And everyone is beautiful and accepted. Just be secured with yourself and that's when you know na hindi mo kailangan tumingin sa kakulangan ng iba.”

At syempre, inabangan ng mga manonood ang patalbugan sa outfitan nina Anne Curtis at Vice Ganda, na lagi nilang ginagawa sa tuwing may malakihang event ang kanilang show, lalo na kapag Grand Finals.

Si Sam ay dating kandidata ng Miss Philippines Earth.