BENGUET - Tatlong minero ang himalang nakaligtas matapos makulong sa loob ng gumuhong tunnel na kanilang hinuhukay sa Sitio Pukis, Ampucao, Itogon kamakailan.

Kinilala ng Itogon Municipal Police Station ang nakaligtas na sinaBenedict Palen Abuan, 44, Frederick Palen Abuan, 35, at isang menor de edad, pawang taga-Ampucao, Itogon.

Ayon sa pulisya, nakatanggap sila ng tawag na nagkaroon ng soil erosion sa lugar dakong alas 4:30 ng hapon ng Hulyo 22 kung saan na-trap ang tatlong minero sa loob ng tunnel.

Agad nagsagawa ng rescue operation ang Itogon Municipal Police at mga community volunteers at Philex Mines rescue team at nailigtas ang tatlong minero na walang tinamong pinsala sa katawan, dakong 12:50 ng hapon ng Hulyo 23.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Kaugnay nito, nanawagan ang municipal government naitigil ang operasyon kapag malakas ang ulan dahil sa posibilidad na magkaroon ulit ng pagguho.