Muling naungkat ni Meme Vice Ganda ang sabay na panliligaw noon ni Vhong Navarro at Jhong Hilario kay Judy Ann Santos.

Sa isang episode ng “It’s Showtime” nitong Biyernes, Hulyo 22, walang ano-anong nasingit ng "Unkabogable Star" ang noo'y hindi pagkakasundo ni Jhong at Vhong na kapwa miyembro noon ng kilalang dance group na “Streetboys.”

Matapos ibahagi ni Vhong na ang kaniyang ama ang itinuturing niyang idolo, pabirong hinirit ni Meme Vice na parang naiiyak si Vhong habang sinasabi ito.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

“Mabilis lang tumulo ng luha mo parang si Judy Ann,” sey ni Meme.

“Magandang umarte ‘yon!” segunda ni Vhong.

“Oo, magaling umarte si Judy Ann at saka ang ganda pa kaya nga pinag-awayan niyo ni Jhong dati,” sunod na hirit at walang ano-anong saad ni Vice.

“Oo, pinag-awayan ng Streetboys [pero] ang nagwagi si Wowie [De Guzman],” pagtukoy ni Vice sa long-time on-screen at ex-boyfriend noon ng tinaguriang “Teleserye Queen” na si Juday.

"Dati pa 'yun," hindi naman pagpalag ni Vhong sa kapwa host.

Hindi ito ang unang beses na naungkat ang parehong past ng magkaibigang Vhong at Jhong sa premyadang aktres.

Noong 2020, sa parehong programa, aminado si Vhong na nainlab nga siya kay Juday noon.

“Si Judy Ann kasi masarap kausap, napakabait. Tsaka Judy Ann yun, parang iba, na-inlab kami nung panahon na yun,” kaswal na saad lang ni Vhong.

Pagbara naman ni Vice, “Nag-away pa kayong dalawa ang ending ang nagwagi si Wowie.”

Taong 2004 naman ng magkakilala si Juday at ang kaniyang asawang si Ryan Agoncillo sa proyektong Krystala.

Makalipas ang limang taon, ikinasal ang dalawa noong 2009 at kasalukuyang may tatlong supling.