Matapos mabanggit sa panayam ni King of Talk Boy Abunda kay Ella Cruz, may makahulugang tweet umano ang Kapuso comedienne na si Pokwang, na ayon sa sapantaha ng mga netizen ay parinig tungkol sa mga taong nakapagtatamasa ng kalayaan ngayon dahil sa paghihirap at pakikipaglaban ng mga tao sa nakalipas.

Umikot ang panayam ni Tito Boy kay Ella sa "The Interviewer" sa bashing na natanggap ng aktres sa kontrobersiyal niyang pahayag na "History is like tsismis" na nagdulot ng diskusyon sa iba't ibang mga tao at sektor, lalo na sa mga historyador, guro at propesor ng kasaysayan.

Tahasang tinanong ni Tito Boy si Ella kung sumama ba ang loob nito kay Pokwang, na nagpahayag ng saloobin tungkol sa kaniya. Inamin naman ni Ella na sumama ang loob niya sa komedyante, na nakasama naman niya bilang nanay sa fantaseryeng "Aryana" noong 2012 sa ABS-CBN.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/04/maling-mali-pokwang-gustong-ibalik-sa-dagat-si-aryana/">https://balita.net.ph/2022/07/04/maling-mali-pokwang-gustong-ibalik-sa-dagat-si-aryana/

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Bandang hapon ay nagpakawala si Pokwang ng tweet.

"Kaya ang gaang ng buhay mo ngayon, kaya ka malayang nakakasigaw ngayon kasi may mga naghirap na noon noon pa para sayo at sana wag mo iwaglit yan sa puso at isip mo," aniya.

https://twitter.com/pokwang27/status/1550418310734311424

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Dyan pumapasok yung, it's like tsismis. May dagdag at bawas ang bawat istorya. Depende sa gusto ipakita at kung sino ang nanalo ng panahon na 'yon. Maaaring naganap nga isang pangyayari pero walang nakakaalam ng katotohanan kasi wala naman tayo mismo sa pinangyarihan."

"If you're going to talk about history, make sure that they let people know what really happened that time. Historians themselves are not trustworthy. Don’t worry we don’t forget those people who sacrifice without even recognizing their work."

"Ella’s hurt is about Pokwang’s comment which went overboard… It has nothing to do with other people,the subject here is Pokwang’s attitude towards somebody who treated her like her own family…"

Samantala, nasa Amerika naman ngayon si Pokwang kasama ang kaibigang komedyanteng si K Brosas para sa kanilang "BFF Concert Tour".