Hindi raw sumama ang loob ni Ella Cruz sa beteranang aktres na si Agot Isidro nang mag-tweet ito tungkol sa sinabi niyang "History is like tsismis' na hanggang ngayon ay usap-usapan pa rin at nagdulot ng iba't ibang argumento, debate, at bardagulan sa social media.

Naganap ang rebelasyon sa panayam ni King of Talk Boy Abunda kay Ella, sa YouTube channel ng host na "The Interviewer" na umere nitong Hulyo 22, 2022.

Kaiba kay Pokwang, hindi raw siya nasaktan sa mga sinabi ni Agot sa kaniya, kahit na matagal na silang walang koneksyon.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/06/banat-ni-pokwang-pinuna-maling-spelling-pero-pambababoy-sa-kasaysayan-hindi-ano-na/">https://balita.net.ph/2022/07/06/banat-ni-pokwang-pinuna-maling-spelling-pero-pambababoy-sa-kasaysayan-hindi-ano-na/

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

"Nagulat po ako. After po naming magka-work, wala na po kaming koneksyon. Kaya sabi ko, 'O bakit, bakit may pag-tweet?' Medyo ganoon po kasi una siyang nag-tweet eh. Pero noong nakita ko yung kay Mamang (Pokwang), bakit mas mabuti pa si Tita Agot? Na, parang she's just trying to save me? Na parang wala siyang sinabing masama… sinabi lang niya 'Sana nag-no comment ka na lang. Pero mahal kita'," saad ni Ella.

Naramdaman daw ni Ella na ang tweet ni Agot ay tila sinasabi sa kaniyang huwag masamain ang kaniyang sinabi.

"Wala akong galit o sama ng loob kay Ms. Agot kasi somehow na-appreciate ko po, para niya akong pinapayuhan. Ganoon po," paglilinaw ni Ella.

Ano naman daw ang naramdaman niya sa iba pang celebrities gaya nina Gretchen Ho, at iba pa? Aniya, nirerespeto raw niya kung ano ang opinyon ng iba kaugnay ng isyu.

"Puwede naman po nila akong i-message, pero hindi nila ginawa," giit ni Ella.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/23/ella-nasaktan-sa-komento-ni-pokwang-laban-sa-kaniya-naikumpara-kay-agot/">https://balita.net.ph/2022/07/23/ella-nasaktan-sa-komento-ni-pokwang-laban-sa-kaniya-naikumpara-kay-agot/

Matatandaang sinabi ni Agot na mahal niya at "sweet" na tao si Ella subalit mas mainam na lang daw na sana, sinabi na lang nito na "no comment" nang matanong siya ng media tungkol sa mga natutuhan niya bilang bahagi ng cast member ng pelikulang "Maid in Malacañang".

"Ella, I love you and you're the sweetest. (serious ako. she really is.)," ani Agot.

"Next time, puede tayong sumagot ng, 'No comment'."

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/03/mahal-kita-agot-isidro-inilarawan-si-ella-cruz-bilang-sweetest-person-subalit-may-payo-sa-kaniya/">https://balita.net.ph/2022/07/03/mahal-kita-agot-isidro-inilarawan-si-ella-cruz-bilang-sweetest-person-subalit-may-payo-sa-kaniya/

"Again, mahal kita," giit pa ng actress-singer na isang certified Kakampink.