Emosyunal at napahagulhol ng iyak ang aktres na si Ella Cruz nang tanungin siya ni King of Talk Boy Abunda kung nasaktan ba siya sa mga komento ng kasamahang celebrities tungkol sa kontrobersiyal na pahayag niya na "History is like tsismis".

Para kay Boy, kung may magtatanggol o magtuturo man daw kay Ella, sana raw ay mga kapwa celebrity o kasamahan sa industriya. Subalit may mga celebrity raw na hindi talaga naiwasang magkomento tungkol sa isyu, gaya nina Pokwang at G Tongi na pawang nakasama ni Ella sa fantaseryeng "Aryana" noong 2012 sa ABS-CBN.

Sobra daw na nasaktan si Ella dahil naging pamilya na ang turing niya sa mga ito.

"Ang laki ng respeto ko sa kanila, tapos bigla na lang…" naiiyak na pahayag ni Ella.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Aminado siyang sa kasagsagan ng bashing sa kaniya ay hindi siya nagbukas ng social media. Mga messaging apps lamang daw ang nakabukas sa kaniya. Nalalaman lamang niya ang mga nangyayari sa pamamagitan ng pagpapadala sa kaniya ng screenshots ng mga nagtu-tweet at nagpo-post.

"Nagugulat na lang ako na… 'Oh, wala naman 'tong paki (pakialam) sa akin ah… hindi naman ako mine-message nito after naming mag-work, bakit siya nagsalita nang ganyan? Tapos worst, yung mga tao na 'yon, pamilya mong itinuring noong time na magkasama kayo at hanggang ngayon, chine-cherish mo yung mga pinagsamahan ninyo, nirerespeto mo sila… kapag nagkita ulit kayo, mahal mo pa rin sila… ganoon po kasi ako eh…"

"Bakit ganoon yung nasabi nila? Meron ba akong nagawa sa kanila? Pero, wala naman silang message sa akin?" emosyunal na saad ni Ella.

Kinailangan din niyang i-unfriend ang mga family friend na matagal na nilang kakilala kahit hindi pa siya artista.

Kahit na ganoon daw ang ginawa sa kaniya ng mga celebrity na ito, hindi pa rin mawawala ang respeto niya sa kanila, subalit nawala na ang kaniyang tiwalang may pakiramdam siyang safe o "guarded" siya kapag kasama ang mga ito.

Diretsahang tanong ni Tito Boy, "Nasaktan ka doon sa post ni Pokwang?"

Pigil ang iyak na tumango si Ella.

"Hindi ko po inasahan na masasabi niya 'yon. Naging nanay ko po kasi siya eh… Okay lang yung isang tweet, pero tatlo po kasi yung nakita ko eh… yung pangala, OA na… below the belt na… naalala ko, binibisita ko pa sila palagi kapag breaktime nila… even after the show sobrang sakit! Sobrang sakit na yung mga taong hindi mo talaga inaasahan, sila pa yung mga taong makakapagsalita nang ganyan… hindi ka man lang tinext, ni hindi ka man lang diniem sa Instagram…

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/04/maling-mali-pokwang-gustong-ibalik-sa-dagat-si-aryana/">https://balita.net.ph/2022/07/04/maling-mali-pokwang-gustong-ibalik-sa-dagat-si-aryana/

Nang tanungin siya ni Tito Boy kung may nais ba siyang sabihin kay Pokwang, minabuti na lamang ni Ella na huwag na lamang magbigay ng mensahe para sa komedyante. Wala na rin umanong balak ang aktres na ipaliwanag ang kaniyang panig kay Pokie.

Sunod naman ay ang tweet ni Agot Isidro na sinabihan siyang mahal siya nito at sweet ang tingin sa kaniya ng beteranang aktres, ngunit puwede aniya siyang mag-"no comment". Tinanong ni Tito Boy kung ano ang reaksiyon ni Ella sa post nito.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/03/mahal-kita-agot-isidro-inilarawan-si-ella-cruz-bilang-sweetest-person-subalit-may-payo-sa-kaniya/">https://balita.net.ph/2022/07/03/mahal-kita-agot-isidro-inilarawan-si-ella-cruz-bilang-sweetest-person-subalit-may-payo-sa-kaniya/

"Nagulat po ako. After po naming magka-work, wala na po kaming koneksyon. Kaya sabi ko, 'O bakit, bakit may pag-tweet?' Medyo ganoon po kasi una siyang nag-tweet eh. Pero noong nakita ko yung kay Mamang (Pokwang), bakit mas mabuti pa si Tita Agot? Na, parang she's just trying to save me? Na parang wala siyang sinabing masama… sinabi lang niya 'Sana nag-no comment ka na lang. Pero mahal kita'," saad ni Ella.

Naramdaman daw ni Ella na ang tweet ni Agot ay tila sinasabi sa kaniyang huwag masamain ang kaniyang sinabi.

"Wala akong galit o sama ng loob kay Ms. Agot kasi somehow na-appreciate ko po, para niya akong pinapayuhan. Ganoon po," paglilinaw ni Ella.

Ano naman daw ang naramdaman niya sa iba pang celebrities gaya nina Gretchen Ho, at iba pa? Aniya, nirerespeto raw niya kung ano ang opinyon ng iba kaugnay ng isyu.

"Puwede naman po nila akong i-message, pero hindi nila ginawa," giit ni Ella.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon o pahayag si Pokwang tungkol sa mga sinabi ni Ella laban sa kaniya, subalit nagpakawala naman siya ng isang cryptic tweet kaugnay ng tinatamasang kalayaan ngayon dahil sa sakripisyo ng mga tao sa nakalipas.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/23/pokwang-may-cryptic-tweet-sa-gitna-ng-kontrobersiyal-na-panayam-ni-boy-abunda-kay-ella-cruz/">https://balita.net.ph/2022/07/23/pokwang-may-cryptic-tweet-sa-gitna-ng-kontrobersiyal-na-panayam-ni-boy-abunda-kay-ella-cruz/