Wala mang direktang sinabi, natitiyak ang mga netizen na magkarelasyon na ang actress-host na si Yassi Pressman at businessman-athlete na si Jon Semira matapos handugan ng sweet birthday message ng una ang huli, sa kaniyang Instagram post noong Hulyo 21.

Makikita sa litratong ibinahagi ni Yassi na ginawaran niya ng halik sa pisngi si Jon.

"HBD so happy with where life has brought us, so lucky to have you calm my anxieties, hold my hand, push me to become better & empower me."

"I promise to keep giving you surprise cheek kisses at random times of the day even when you think I'm kulit," ani Yassi.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa mga latest IG post ni Yassi ay makikita ang mga litrato nila ni Jon habang nagbabakasyon sa Paris, France. Ibinida rin ni Yassi ang iba't ibang mga litrato ng travel nila ni Jon.

Batay sa kaniyang Instagram account, si Jon ay isang businessman. Pagmamay-ari niya umano ang personal care line Wavee. Siya rin ay co-founder ng pet accessories line na Presidential Pawsclub, na inilunsad noong 2020.

Bukod dito, si Jon ay COO din ng Wewe Media Group, isang marketing agency sa Singapore.