Usap-usapan ngayon sa social media ng pagpalag daw ni “Unkabogable Star” Vice Ganda sa pagpaparinig umano ni Bayani Agbayani sa pag-o-overtime ng programang “It’s Showtime” sa TV5 Network kamakailan.

Sa isang episode ng “It’s Showtime” nitong Biyernes, isang may lamang biro ang pinakawalan ni Vice na anang netizens ay tugon sa kamakailang pagpaparinig ng “Tropang LOL” host na si Bayani.

“Kaya dapat hindi lahat nakikisali ha. May kilala tayo nakikisali. Mga nagpaparinig, ba’t ka nagpaparinig, hindi ka naman kasali?” matapang na saad ni Vice habang kaharutan ang mga kasamang hosts.

"‘Pag close lang pwede,” segunda ni Jugs.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Dagdag ni Meme, “Kasi may napanuod kami, nagpaparinig. Kaya nag-usap kami, hanga tayo rito. Nagpaparinig siya, hindi naman siya kasama sa isyu.”

Bagaman walang binanggit na pangalan ang host, mabilis na bumuo ng konklusyon ang ilang netizens.

Anila, tugon ito ni Vice sa naunang pagpaparinig ni Bayani Agbayani, host ng “Tropang LOL” sa umano’y pag-o-overtime ng “It’s Showtime” sa TV5.

Sa isang episode ng TV5 noontime show nitong Miyerkules, Hulyo 20, binati ni Agbayani ang kanilang direktor habang binanggit na kailanman ay hindi aniya sila nag-overtime.

Matatandaan ang kamakailang pagsasanib-puwersa ng dalawang noontime shows sa TV5.

Bago rin ang pahayag ni Bayani, nauna nang nanawagan ang ilang manunuod ng ABS-CBN noontime show na i-extend ang airtime nito sa Kapatid Network matapos mawala sa ere habang nagpapatuloy pa ang segment na “Tawag ng Tanghalan” noong Hulyo 18.

https://twitter.com/dailyjayvz/status/1548929598733570049?ref_src=twsrc%5Etfw%7Ctwcamp%5Etweetembed%7Ctwterm%5E1548929598733570049%7Ctwgr%5E%7Ctwcon%5Es1_&ref_url=https%3A%2F%2Fwww.dailypedia.net%2F2022%2F07%2Fits-showtime-viewers-call-on-tv5-to-extend-air-time-following-the-abrupt-cutoff%2F

https://twitter.com/altviceion/status/1548896858533396480?ref_src=twsrc%5Etfw%7Ctwcamp%5Etweetembed%7Ctwterm%5E1548933255361331201%7Ctwgr%5E%7Ctwcon%5Es2_&ref_url=https%3A%2F%2Fwww.dailypedia.net%2F2022%2F07%2Fits-showtime-viewers-call-on-tv5-to-extend-air-time-following-the-abrupt-cutoff%2F

Wala pang tugon si Bayani sa mga naging pahayag ni Vice.