Kahit na inanunsyo na ni Tom Rodriguez noong Hunyo na divorced na sila ng dating asawang si Carla Abellana, hanggang ngayon ay umaasa pa rin ang ama ng aktres na magkakabalikan ang dalawa.

Magmula nang pumutok ang isyu ni Carla at Tom, aminado ang amang si Rey PJ Abellana na hindi pa rin niya nakakausap ang anak.

“Hangang ngayon hindi pa rin nag-o-open up kasi ang ang anak ko sa akin kaya hindi pa rin ako klarong kasagutan sa mga tanong diyan,” ani PJ sa isang panayam ni Ogie sa isang media lunch na pinagbibidahan ng aktor.

Gayunpaman, hangad pa rin ng ama ang pagkakasundo pa rin ni Carla at Tom sa kabila ng maraming isyung lumabas sa pagitan ng dalawang kampo.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

“Bilang ama, from the very start to the present, gusto kong magkaayos sana sila dahil umabot sa point na nagpakasal na ‘yung dalawa. Iba na ‘yung level na ‘yun na agad-agad masisira lang. May vows ‘yan eh,” sabi ni PJ.

Sa parehong panayam, itinuturing na rin ni PJ na isang anak si Tom, kayat bilang isang magulang ang hiling niya lang sa mga anak ay maging “intact” hanggang sa dulo.

Basahin: ‘Carla had given up on our marriage’ — Tom Rodriguez – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Kaya lang, sa bagay na ‘yan sila pa rin ang [may] huling desisyon,” sabay kambyo ni PJ at pagkilala sa pasya ng kaniyang anak at ni Tom.

Samantala, naungkat naman ni Ogie ang naging pambabae noon ni PJ noong kabataan nito.

“Lahat tao dumadaan sa ganiyan,” aniya sa pagtukoy sa kaniyang pagiging marupok noon.

Kaya naman sakaling makumpirmang hindi naging tapat si Tom kay Carla sa kanilang pagsasama, kagaya ng mga naunang mga ulat, ay mauunawan ng ama.

“Naiintindihan ko ‘yan kasi nadaanan ko ‘yan, automatic na naiitindihan ko ‘yan. Supposedly, ang pambabae, as much as possible, ay nilalagay din sa lugar. In some instances, may mga bagay na nagiging kritikal ‘yan minsan na nakakasira, nakakasakit ng ibang tao at nakakasira ng tao mismo. May mga namamatay nga dahil diyan,” anang ama.

Sa huli, muling ipinunto ni PJ na may sinumpaang pangako ng dating mag-asawa sa harap ng altar.

“May promises na ‘yan. May vows ‘yan eh, dapat i-prioritize niya yun,” muling pagpunto ng ama sa naging kasal ni Tom at Carla.

Noong Oktubre 23, 2021, ikinasal ang Kapuso couple.