Pang Miss Universe pa rin ang ganda ni Pia Wurtzbach kahit wala itong suot na makeup, dahilan para manggigil nga ang ilan sa kaniyang followers.

Fresh-looking pa rin ang Pinay Miss Universe sa isang larawan sa Instagram nitong Hubwes, kahit aminadong wala siyang ligo nang makuhaan ang litrato.

Ilang nakakaaliw na mga komento naman ang iniwan ng kaniyang followers sa larawan ng beauty queen.

“Inaano ka ba namin?” tila nanggigil na komento ng isang follower.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Gusto ko lang naman mag ig [Instagram] kween!” nakaaaliw na segunda ng isa pa.

Napuno rin ng paghanga ang ilang fans sa plakado pa ring ganda ng Pinay Miss Universe kahit walang koloreta sa mukha nito.

“Pia wurtzbach without make up hits diff!!! Ur so gorgeous Queen P! 😭😭”

“Kahit walang ligo looking fresh pa din. 😍😍 Sana all!😂”

“Why are you so gorgeous!😭😭😭😭😭”

“Oh yazzz, Woke up like this feyzz!😍😍”

“Pia ganyan din ako kafresh pag hindi naligo. Same sis same!”

“Grabe naman po yung walang ligo!”

Kasalukuyang nasa Greece si Pia kasama ang fiancé na si Jeremy Jauncey.

Basahin: Santorini trip ni Pia Wurtzbach sa bansang Greece, ikinamangha ng kapwa celebs – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa isa pang hiwalay na Instagram post, pinainit naman ng power couple ang Milos sa isang intimate beach kiss.

Noong Mayo 6, isinapubliko ni Pia ang engagment nila ni Jeremy sa isang Instagram post.