Ipinatigil ng Supreme Court ang pag-upo ni Romeo Jalosjos, Jr. bilang kongresista ng unang distrito ng Zamboanga del Norte matapos iproklama ng Commission on Elections (Comelec) ilang linggo na ang nakararaan.

Sa isang resolusyong may petsang Hulyo 12, naglabas muna ng status quo ante order ang Korte Suprema bilang tugon sa petisyong magkahiwalay na iniharap ng katunggali nito na sina Roberto “Pinpin” Uy Jr. at Frederico Jalosjos.

Inobliga ng kataas-taasang hukuman ang magkabilang panig na sumunod sa status quo bago pa maipalabas ang mga kautusan ng Comelec na nagresulta sa pagkakaproklama ni Jalosjos.

Sampung araw naman ang ibinigay ng hukuman sa Comelec at kay Jalosjos upang makapagkomento sa petisyon.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Matatandaang nakakuha si Jalosjos ng 69,109 na boto at sumegunda lamang kay Uy na nakaipon ng botong 69,591.

Nauna nang nagdesisyon ang Comelec na ilipat kay Jalosjos, Jr. ang 5,424 na boto na nakuha ni Frederico na idineklarang nuisance candidate.