Matapos i-anunsyong magreretiro na sa boxing ay muling sasampa sa ring si dating senador at People's Champ Manny Pacquiao upang kalabanin ang Korean YouTuber at mixed martial artist na si DK Yoo, sa pamamagitan ng exhibition match.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

(Instagram post mula kay DK Yoo)

Bagama't nilinaw ng Pambansang Kamao na retirado na talaga siya sa larangang una siyang nakilala, gagawin niya lamang ito upang makatulong sa mga naapektuhan ng digmaan sa Ukraine at Russia. Magsisilbi itong fundraising event.

Nagkaharap na ang dalawa sa isang media conference sa Taguig nitong Miyerkules, Hulyo 20.

"Sisiguraduhin ko na yung condition ko ay 100% and mahigitan ko pa rin yung galing ko sa taas ng ring although ito ay charity event para makatulong tayo sa mas marami pang tao," ani PacMan.

Nilinaw ni Manny na paninindigan niya ang retirement na inihayag niya noong kampanya sa pagkapangulo ng bansa.

"Nag-announce na ako ng retirement ko, iyan nasa puso ko at nasa mind ko unless kung magbago yung isip ko or puso ko na gusto ko lumaban ulit pero hindi pa ako nag-iisip nang ganoon," aniya.

"Ang sa akin ay kung paano ako kumita para makatulong."

Magaganap ang bakbakan ng dalawa sa Disyembre 10, sa Seoul, South Korea, ayon sa Instagram post ni Yoo.

(Instagram post mula kay DK Yoo)