Pinaiimbestigahan na niDepartment of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo ang umano'y hindi naimahaging halos₱2 bilyong ayuda.

Ito ang tugon ni Tulfo sa lumabas na annual audit ng Commission on Audit (COA) kung saan napansin ang pagkabigong maipamahagi ng DSWD ang₱1.9 bilyong financial aid sa ilalim ng programang Social Amelioration Program (SAP).

"Paiimbestigahanko po ito, ano ang nangyari? Pero initially mayroon na akong report dito parang nagkakaroon daw ng confusion. Hindi pa po malinaw pero I will keep on investigating," sabi ni Tulfo sa isinagawang public briefing.

"Naibalik naman ang pera sa Bureau of Treasury, hindi naman talaga siya nawala. Yun nga lang, ang nakakalungkot, hindi naibigay sa tao noong kinakailangan ng tao yung budget," aniya.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Karamihan aniya sa hindi naipamahaging ayuda ay mula sa mga tanggapan ng DSWD sa Metro Manila at sa Visayas region.

Matatandaang nasita rin ng COA ang ahensya nang hindi nito naipamahagi ang₱780 milyong pondo para sa SAP na mapakikinabangan sana ng halos 140,000 benepisyaryo.