Humingi ng tawad ang "Pinoy Ako Blog" blogger na si Jover Laurio sa journalist at blogger din na si Sass Rogando Sasot, sa pagtawag niya rito ng "prostitute" noong 2017.

Ipinaraan ni Laurio ang kaniyang public apology sa pamamagitan ng tweet, Hulyo 19.

“Gusto kong humingi ng tawad sa blog posts na ginawa ko last Jan. 5 and 6, 2017. Nagpahiwatig ako na ikaw ay isang prostitute sa Netherlands, kahit wala akong matibay na basehan sa pagsabi nito,” saad ni Laurio.

“Ngayon alam kong hindi ito totoo. Humihingi din ako ng tawad sa lahat ng sakit, kahihiyan, at anumang pagdurusang naranasan mo dulot ng pagsulat ko ng post na yun,” dagdag niya.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Humingi rin siya ng paumanhin sa pamilya ni Sasot, lalo na sa kaniyang inang si Melba.

"Gusto ko ring humingi ng tawad sa pamilya mo. Lalo na sa Mama mo, kay Ma'am Melba Sasot. Alam ko na sa bawat sakit na nararamdaman ng anak mas doble pagdating sa ina nila,” sabi ni Laurio.

Nangako rin siya na hindi na niya muling gagawin iyon kay Sasot.

“Sana mapatawad mo ako sa lahat ng sakit na naranasan mo dahil sa post na iyon. I’ve learned from my mistake and I promise that this will not happen again,” ayon pa sa blogger.

https://twitter.com/PinoyAkoBlog/status/1549345026505056256

Sa Facebook post naman ni Sasot, Hulyo 19, tinanggap niya ang paumanhin ni Laurio.

"First of all, I would like to extend my gratitude to the Honorable Judge Jaime Santiago whose wisdom guided us all throughout the libel case I filed versus Ms Jover Laurio."

"Judge Santiago's sagacity helped us reach a closure to this case. When faced between the way of grace and the way of ego, one must always choose the one that would make us #KeepAscending."

"I am accepting Ms Laurio's apology and I wish her all the best in life and a bright future for her child," aniya.