Sa "Angat Buhay" Foundation ni dating Vice President Atty. Leni Robredo ibibigay bilang donasyon ng kilalang celebrity doctor na si Manny Calayan ang napagwagihang premyo ng kaniyang pamilya, sa game show na "Family Feud PH" na hino-host ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

Sa July 18 episode, nakalaban ng Pamilya Calayan ang Pamilya Seña. Sina Robert Seña at Isay Alvarez ay parehong tagasuporta ng UniTeam nina President Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. at Vice President Sara Duterte, na aktibong-aktibo sa proclamation rally at sorties.

"It's SCIENCE vs ART dito sa Family Feud Philippines dahil maghaharap ang CALAYAN FAMILY ni renowned celebrity doctor Manny Calayan at ang ALVAREZ-SEÑA FAMILY ng theater artists na sina Robert Seña at Isay Alvarez. Sino kaya sa kanila ang didiretso sa fast money round?" saad sa caption.

₱20K ang napanalunan ng Pamilya Calayan, na buong-buong mapupunta sa Angat Buhay Foundation.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

“Angat Buhay Foundation, makatatanggap po kayo ng ₱20K. Maraming salamat,” saad ng host na si Dingdong.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Thank you Doc Manny Calayan and to your family who donated to Angat Buhay Foundation. Maraming matutulungan ang amount na 'yan. Malinis din ang kalooban n'yo kaya pagpalain po kayo lagi. We love you."

"You’re the best doc Manny Calayan. God bless you more. Thank you for donating sa Angat Buhay Foundation. We are all truly grateful. Pray for more success as inyo."

"Wow thank you for choosing Angat Buhay Foundation. Ang patuloy na susuportahan ng mga tapat sa bayang Pilipinas."