Balik-Amerika na si Raymond Gutierrez matapos ang mahigit isang buwang pananatili sa Pilipinas.

Sa kaniyang Instagram update, Miyerkules, pinasilip ni Mond ang ilang tagpo sa kaniyang pagbabalik sa Los Angeles.

Isang matamis na halik ni Rob William, boyfriend ni Mond, ang sumalubong sa celebrity host.

Lowkey namang flinex ni Mond ang propesyon ng jowa suot ang isang puting statement shirt.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

“My boyfriend is a lawyer,” mababasa sa white shirt ni Mond.

Matatandaang sa kauna-unahang pagkakataon noong Hunyo 25, eksaktong pagdiriwang ng Pride Month, buong-tapang na ibinulgar ni Mond sa publiko ang kaniyang relasyon kay Rob.

Basahin: Pagpapakilala sa foreigner jowa ni Raymond, umani ng suporta mula sa kapwa celebrities – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ilang kaibigan naman ang nagpahayag ng full-support sa paglalantad na ng host matapos ang pinagdaanang pagtanggap sa sarili.

Noong Agosto 2021, sa isang magazine cover, nagladlad si Mond bilang bahagi ng LGBTQ+ community.

Basahin: Raymond Gutierrez, hindi naging madali ang pagtanggap sa sarili – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid