KAMPO HENERAL PACIANO RIZAL, Sta. Cruz, Laguna – Arestado sa buy-bust operation Martes, Hulyo 19, sa Calamba City, Laguna ang isang 60-anyos na babae at ang kanyang 19-anyos na kinakasama.

Kinilala ni Police Col. Cecilio Ison Jr. ang mga suspek na sina Segunda Capusi, alyas “Dina,” walang asawa, ng Barangay Sampiruhan, Calamba, at Mark Joseph Decena, 19, binata, ng Barangay Pansol, sa Calamba din.

Inaresto ng Calamba police ang mga suspek alas-2:45 ng madaling araw sa Barangay 1 matapos nilang ibenta ang hinihinalang shabu sa isang police poseur-buyer.

Nakuha mula sa mga suspek ang pitong gramo ng shabu na tinatayang nasa P47,600 ang halaga.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Ang babae ay kilalang pinagmumulan ng shabu sa Barangay 1 at mga kalapit na barangay.

Nasa kustodiya na ngayon ng Calamba police ang mga suspek at ihaharap sa Office of the City Prosecutor para sa inquest proceedings para sa paglabag sa Section 5, 11, at 26 ng Republic Act (RA) No. 9165, ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.