Nasa 2,074 pa ang naitalang bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa bansa nitong Hulyo 20.

Sa datos ng Department of Health (DOH), 3,739,160 na ngayon ang kabuuang kaso ng sakit sa Pilipinas.

Naitala naman ng DOH ang kabuuang 3,657,841 na nakarekober sa sakit, gayunman, walang naiulat na binawian ng buhay nitong Miyerkules.

Umabot na sa 60,641 ang kabuuang binawian ng buhay sa Covid-19 mula nang mag-umpisa ang pandemya noong 2020.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Sinabi pa ng DOH na nakapagtala ng mataas na kaso ng sakit ang Metro Manila, Cavite-Laguna-Batangas-Rizal-Quezon (Calabarzon), Central Luzon, Western Visayas at Central Visayas.

Paalala pa ng ahensya, sumunod pa rin sa safety and health protocol upang hindi na lumaganap nang husto ng sakit.