Nakisawsaw na maging si Manay Lolit Lolis sa isyu ni dating beauty queen Maggie Wilson at ex-husband nitong si Victor Consunji.

Ito’y matapos mapabalita ang paglusob umano ng mga kinatawan ni Victor sa tahanan ni Maggie kamakailan, na anang ina ay ilegal.

Basahin: Maggie Wilson, natatakot para sa buhay niya at ng kaniyang pamilya – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Alam mo ba, ang problema ng mga babae na nagkakaruon ng relasyon sa mga rich guys, lahat sila gusto maging Gretchen Barretto. Nakita kasi nila na very spoiled si Gretchen kay Tonyboy Cojuangco, lahat ng luho binibigay, free as a bird. Ngayon lahat sila ganyan hinahanap, maging kasing spoiled ni Gretchen. Siguro iyon sana gusto ni Maggie Wilson kay Victor Consunji pero hindi siya nakarampa na tulad ni Gretchen. Eh rich guy din ang Victor, kaya siguro type ng Maggie Wilson rampa din ang beauty,” diretsahang komento ni Manay Lolit sa pinag-uusapang isyu ng dating mag-asawa.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Patuloy na paghahambing ni Manay, “Lucky ladies Salve at Gorgy, imagine mo mga achievers ang papa nila, pero siyempre pinaka-lucky si Gretchen dahil bongga ang trato sa kanya ng Tonyboy Cojuangco. “

Tila nahihiwagaan naman ang showbiz columnist sa likod ng alitan ng dalawa, lalo pa’t “suwerte” na umano ni Maggie kay Victor noon.

Simula noong Disyembre 2021, ilang cryptic posts na ang ipinahiwatig ni Maggie ukol sa tinago umanong tatlong bagay na ibubulgar niya sa tamang panahon.

Basahin: Cryptic posts ni Maggie Wilson, umagaw sa atensyon ng netizens; ex-husband, may nilinaw – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Nanatili namang tikom ang celebrity mom sa detalye ukol sa mga makahulugang social media posts na anang netizens ay tungkol sa asawang si Victor.

Basahin: Maggie Wilson, napagkaitan makasama ang anak noong Pasko; may matapang na buwelta! – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Nauna namang napabalita na tatanggi raw magkomento o magpapa-interview si Tim Connor kaugnay ng isyu ngayon sa pagitan nina Maggie at Victor.

Basahin: ‘I don’t stoop so low!’ Tim Connor, hindi magpapa-interview kaugnay ng Maggie-Victor issue – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Matatandaang kumalat ang isyu ng pagsasampa umano ng kasong adultery ni Victor kina Maggie at Tim noong Biyernes, Hulyo 15.