Nagpalitan ng patutsadahan ang kapwa negosyante ng skincare products na Jinky "Madam Kilay" Anderson at Rosemarie "Rosmar" Tan sa social media, sa isyu ng panggagaya umano ng produkto.

Naging mainit ang sagutan ng dalawa matapos umalma ni Madam Kilay kaugnay sa umano'y panggagaya sa sangkap, label, at packaging ng kaniyang produkto.

"MATAGAL KO NANG NAPATUNAYAN ANG Slimming K- By MKsmetics product ko 2020 pa Lang MALAKAS NA SA MARKET wag mo igaya SA kakalabas mo Lang product Tapos ikaw model na payat ka naman talaga. NILOLOKO MO TAO GUMAMIT KA NG SARILI MONG INGREDIENTS! At least ako may before and after na LITERAL!" pasaring ni Madam Kilay.

Nagparinig din si Madam Kilay na retokada si Rosmar.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

"Ako nananahimik sa totoo lang, ni hindi nga ako active sa TikTok, hindi naman ako TikToker na nagba-bra tapos sasayaw. Kung hindi mo lang ginaya ang ingredients, label, at packaging ng product ko, eh do manos tayo!" dagdag pa ni Madam Kilay.

Naglabas din ng "before and after" photos si Rosmar at itinanggi ang mga paratang na nagparetoke siya ng ilong.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/18/mga-netizen-namangha-sa-glow-up-ng-tiktokerist-at-may-ari-ng-skin-care-product/">https://balita.net.ph/2022/07/18/mga-netizen-namangha-sa-glow-up-ng-tiktokerist-at-may-ari-ng-skin-care-product/

Iginiit niya sa kaniyang Facebook post na takot siyang magparetoke ng ilong kaya kung anuman ang glow up na makikita ng mga tao sa kaniya ngayon, ito ay dahil sa kaniyang negosyong skincare product.

Nagparinig din siya na huwag raw sanang gamitin ang pangalan niya upang maging viral.

Nanindigan din si Rosmar na wala umano siyang ginaya sa produkto ni Madam Kilay.

"Yung nananahimik ka pero ginagawan ka ng issue? Ako raw gaya-gaya sa kaniya? Bakit? Anong dapat gayahin sa 'yo?"

"Ginaya ko raw product niya, eh di sana kung totoo 'yan, sana umepek sa iyo," pasaring pa ni Rosmar.

Mas lalo pang umigting ang bardahan sa pagitan ng dalawa nang ibuking ni Rosmar na buntis na si Madam Kilay sa kaniyang afam na asawa.

Para kay Madam Kilay, kabastusan ang ginawa ni Rosmar dahil naunahan pa siya nitong magsabi sa publiko kaysa sa kaniya.

"Nauna ka pa tlga sa balita! Bastos ka!!! Sakto May FB live ayuda day ako rerebatan kita ng malupet para lalo kang mapraning! Wag ang anak ko sinasabi ko sayo!!! Dito ka sa akin ma-ooblag!" banta ni Madam Kilay.

Lahat naman ng naging bardagulan nila ay ibinahagi ng mga netizen sa social media.

(Mula sa Facebook post ni Xand Rian Vibas)