Ilang serye ng larawan ang ibinahagi ng YouTube vlogger at mom of two na si Kryz Uy kasunod ng matagumpay na surgery ni Baby Sevi.

Matatandaang isang malungkot na balita ang ibinahagi ni Kryz sa Skyfam kamakailan matapos madiskubre ang hindi inaasahang medikal na kondisyon ni Baby Sevi.

Sa kaniyang latest YouTube vlog noong Linggo, Hulyo 17, ipinaabot ni Kryz sa Skyfam, na na-diagnose ng inguinal hernia ang halos two-month old baby number two nila ni Slater Young.

Ayon sa isangonline clinic,ang inguinal hernia ay nangyayari kapag ang isang tissue, tulad ng bahagi ng bituka, ay nakausli sa isang mahinang parte sa mga kalamnan ng tiyan, dahilan ng maaaring pag-inda ng sakit sa nabanggit na bahagi ng katawan.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Laking-pasasalamat naman ni Kryz na naging matagumpay ang operasyon ng kanilang “little warrior.”

Basahin: Baby Sevi nina Kryz Uy at Slater Young, sumailalim sa isang surgery – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Thank you Lord and all of Sevi’s doctors and care givers for the successful surgery and to the skyfam for the prayers and well wishes 🙏🏼 our brave little boy is recovering well,♥️” mababasa sa Instagram update ni Kryz, ngayong Martes.

Si Baby Sevi ay ikalawang supling ng celebrity couple Kryz Uy at Slater Young, kasunod kay Baby Scottie.