Nasermunan ng aktres na si Andi Eigenmann ang mga turistang basta na lamang nag-iwan ng mga kalat sa isang lugar sa Siargao.

Ibinahagi ni Andi ang mga litrato nito sa kaniyang Instagram story, Hulyo 19.

"The least you could do is be mindful enough to take your leftover alak and pulutan and kalat with you after you enjoy a fun night of inuman at the beach," aniya.

"Or did you expect our sea patrol kids to be the one to pick up after your trash?" dagdag pa.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Screengrab mula sa IG/Andi Eigenmann

Screengrab mula sa IG/Andi Eigenmann

Hindi naman natukoy kung sino-sino ang mga turistang ito, kung Pilipino ba o dayuhan.

Si Andi ay payapang namumuhay ngayon sa Siargao kasama ang mga anak nila ng partner na si Philmar Alipayo.