Kinilig at napa-sana all na lang talaga ang mga netizen kay Alimodian, Iloilo Vice Mayor Kalay Alonsabe matapos niyang muling ibahagi sa social media ang mga litrato nila ng kaniyang jowang si Jaz Dionisio.

Kamakailan lamang ay ipinagsigawan ng vice mayor sa social media ang kanilang monthsary.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/03/love-wins-alimodian-vice-mayor-flinex-pagdiriwang-ng-monthsary-nila-ng-jowa/">https://balita.net.ph/2022/07/03/love-wins-alimodian-vice-mayor-flinex-pagdiriwang-ng-monthsary-nila-ng-jowa/

Nakapanayam pa sila sa award-winning magazine show na "Kapuso Mo Jessica Soho" matapos mag-viral ang kaniyang Facebook post.

Singer Olivia Rodrigo at boyfie, spotted daw sa Intramuros?

Nagkakilala umano ang dalawa sa isang bar sa Iloilo. Nag-blush daw siya nang magkita sila, at agad na nagkapalagayang-loob. Noong una raw ay hindi alam ni Jaz na isang politiko si Kalay.

"Sabi ko awkward naman, sabi ko tatawagin mo akong mommy tapos dalawa tayo may kalawit,” pabirong sabi ni Alonsabe.

Sa kaniyang latest Facebook post, sinabi ni Alonsabe na nagsisilbing liwanag niya sa dilim ang kaniyang nobyo.

"The darkest nights produce the (brightest) stars and having you in my life made everything better. Keep going…" saad niya.

Nilinaw rin ng bise alkalde na hindi "gold digger" o pera lang ang habol sa kaniya ng nobyo.