Sama-samang nag-workout ang malalapit na kaibigan at pamilya ni Tricia Robredo, ilang oras bago salubungin nito ang kaniyang ika-28 kaarawan ngayong Lunes, Hulyo 18.

Sa mga ibinahaging larawan ni Irene Gail Robredo-Vitas, pinsan ni Tricia, sa kaniyang Instagram stories nitong Linggo, isang simple at unique na birthday surprise ang inihanda nila kasama ang mga kaibigan ni Tricia.

Naroon din syempre si dating Vice President Leni Robredo.

Kumpleto sa selebrasyon ang Tres Marias ni dating VP dahil present din sa mga larawan sina Jillian at Aika.

National

Gatchalian kay Guo: 'See you tomorrow, sana magsabi ka na ng totoo!'

Sa isang hiwalay na Instagram stories ni Aika, makikitang game na game na nag-workout ang mga dumalong kaibigan sa birthday surprise para kay Tricia, sa isang gym studio.

Larawan ni Aika Robredo/via Instagram story

Matatandaang sa darating na Agosto, nakatakdang lumipad sa Amerika si Tricia para i-pursue ang programang Master of Medical Sciences in Global Health Delivery sa prestihiyusong Harvard Medical School.

Basahin: Tricia Robredo, natanggap sa prestihiyusong Harvard Medical School – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid