Mukhang handa na si Kapuso actress Barbie Forteza na i-level-up ang relasyon nila ni Jak Roberto.

Matapos ang isang birthday prod ni Barbie sa Sunday musical variety show ng GMA na “All-out Sunday” noong Linggo, Hulyo 18, isang pilyong mensahe ang ipinabaabot ni Jak sa Kapuso actress.

“Alam niyo guys ‘yang si Barbie, madali lang naman ‘yan pasayahin e. Kailangan lang makarating agad sa kaniya ang delivery ng pagkain kasi kung hindi, ako na kakagatin niyan. ‘Di ba madam?” makulit na sabi ni Jak na ikinakilig ng mga kasamahang stars sa show.

“Love you!” dagdag ni Jak.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

“Ayon na nga nagulat naman ako na may paganyan pala siya. Well, sa totoo lang, ‘di naman ako na-offend, na-excite ako dun sa kagat part,” paghirit naman ni Barbie sa mensahe ng dyowa.

Naintriga naman si Gabbi Garcia at tinukso pa ang kaniyang “mare.”

“Hindi, hindi. Mas gusto ko talagang dumadating ‘yong delivery,” pagkambyo naman ni Barbie sa kaniyang unang reaksyon sa mensahe ng Kapuso actor.

Sunod namang nagtanong si Christian Bautista kung ano na lang ang dapat paghandaan ni Jak para tanggapin niya itong maging fiancé.

Diretsa at praktikal na sagot ni Barbie: “I think dapat may ipon. Bukod dun, wala na. Approved na. ‘Yun na lang, ipon na lang.”

Basahin: Pag-intriga ni Xian Gaza kay Jak Roberto at Kim Domingo, ikinagalit nga ba ni Barbie Forteza? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Noong Mayo, ipinagdiwang ng Kapuso couple ang kanilang ikalimang anibersaryo bilang magkasintahan.

Sa Hulyo 31, magdiriwang si Barbie ng kaniyang ika-25 kaarawan.