Yakap ni Zeinab Harake ang isang hindi pa nakikilalang lalaki sa isang pool picture na buong tapang na ibinahagi ng YouTube star sa kaniyang Instagram story, Linggo.
Mukhang masaya ang puso ngayon si Zeinab base sa kaniyang paunti-unting pagbulgar sa isang misteryosong lalaki sa ilan nang social media posts.
Bagaman kinumpronta ng kontrobersiyal na online personality na nananatili siyang single, hindi maiwasan ngayon ng netizens, lalo pa ng mga Marites, ang bumuo ng mga haka-haka ukol sa tunay na estado ng dating life ni Zeinab.
Nito ngang Linggo, Hulyo 18, isang sweet na larawan ang matapang na ibinahagi ni Zeinab sa kaniyang Instagram story.
Intimate na nakayakap si Zeinab sa isang misteryosong lalaki sa isang pool by the beach, bagay na ikina-excite din ng maraming followers.
Matapos ang pinag-usapang hiwalayan nila ng dating partner at ama ng anak niyang si Bia na si Skusta Clee, hangad lang ngayon ng fans ang kasiyahan ng online darling.
Nakahanap na nga ba ng pogi si Zeinab?
Sa kamakailang pagsalang sa legit lie detector test sa YouTube vlog ni Kapuso actress Bea Alonzo ay inamin ni Zeinab na bukas siya sa dating scene, bagaman nilinaw niyang hindi pa siya handa para sa isang panibagong relasyon, at mananatiling career at ang anak na si Bia ang kaniyang prayoridad sa ngayon.
Sa parehong vlog, kuwela ring sinagot ni Zeinab kung bet na ba nitong maghanap ng gwapo.
“Gusto ko na ma-try,” pabiro at natatawang sagot ng YouTube star habang muling inungkat ni Bea ang isang hindi pinangalanang celebrity na nag-slide sa kaniyang Instagram DM (direct message) noon.
Basahin: Zeinab Harake, bet nang maghanap ng gwapo: ‘Gusto ko na ma-try’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
Muli rin naungkat kamakailan ang umano’y ugnayan ni Zeinab sa isang “hottie engineer” sa katauhan ni Hanz Alcanzare matapos muling mapag-usapan ang viral TikTok video noong Mayo, kung saan naispatang tila magkadikit din ang dalawa.
Kasabay nito, isang misteryosong lalaki rin sa Twitter na tinawag ni Zeinab na “Mr. Black” ang pumukaw sa atensyon ng netizens kamakailan.
Gayunpaman, noong Hulyo 7, matatandaang diretsahang sinabi ng YouTube vlogger na nanatili siyang single sa ngayon.
“La pako jowa ha kumalma kayo dami nyo kasi issue makasama ko lahat issue sa inyo eh kalmahan lang natin pano maluluto good lovelife ng ina nyo nyan!” saad ni Zeinab sa isang tweet noon.