"Gandang di inakala."

Maraming mga netizen ang namangha sa glow up photos ng TikTokerist at CEO ng isang skin care product, na si "Rosemarie Peñamora Tan" o kilala rin bilang "Rosmar Tan".

Ipinakita ni Tan ang kaniyang "before and after" glow up photos na talaga namang nagpa-wow at nagpa-sana all sa mga netizen. Kitang-kita kasi ang malaking pagbabago sa kaniyang hitsura, na aniya ay hindi dumaan sa "Salamat po, Dok."

"Aba meron din akong before and after grabe laki ng glow up. Grow , glow , go! HAHAHA😂😍 #ROSMARLANGMALAKAS," aniya sa kaniyang Facebook post noong Linggo, Hulyo 17.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Halo-halo ang naging reaksiyon at komento ng mga netizen. May mga humanga sa kaniya at na-inspira, at may ilan namang nagsabing retokada raw siya.

Bagay na sinansala naman ni Rosmar at sinabing bunga lamang ang lahat ng kaniyang skin care product.

"NAPAGKAMALAN PANG NAG PARETOKE! MY PLEASUREEE GANDA BA? ALAGANG Rosmar's PR0DUCTS LANG 'YAN," cool na tugon ni Rosmar sa kaniyang mga basher.

Sa ngayon ay kasal siya sa mister na si Nathan Harisson at mayroon na rin silang baby. Nagbigay rin siya ng paalala na huwag ipagwalang-bahala ang post-partum depression na kadalasang nararanasan ng mga bagong panganak na babae.