Proud na ibinahagi ni ex-Pinoy Big Brother (PBB) housemate at YouTube vlogger Daisy Lopez o “Madam Inutz”  ang moving-up ceremony ng panganak na anak.

Ipinasilip ng proud mama ang moving up rites ng anak na si JD sa Talon Integrated School kamakailan.

Kasama rin sa mga naging saksi sa milestone ng anak ang boyfriend ni Madam Inutz na si Christian Edward Martin o “Tantan” na naging taga-video pa ng naturang YouTube vlog.

Basahin: ‘Lalaking nagpatibok ng ano ko… puso!’ Jowa ni Madam Inutz, iniisyung namemera at ‘paminta’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nasurpesa din ang panganay ni Madam Inutz nang dumalo rin sa seremonya ang ama ni JD na nagbigay pa ng surpresa sa anak.

Sunod na ipinasilip ni Madam Inutz ang hands-on na pagluluto para sa selebrasyon ng pagtatapos ng anak.

Sa huli, laking-pasasalamat ng YouTube vlogger sa anak dahil sa pagsisipag nito sa kaniyang pag-aaral.