Nagbigay ng despedida party ang batikang news anchor na si Korina Sanchez-Roxas sa kaniyang mag-asawang kasambahay na sina Ronilo at Emely, na nagpaalam na sa kaniyang babalik sa kanilang bayan sa Negros.

Bukod sa despedida ay may tribute din si Koring sa mag-asawa.

"From my Day One in our family home in Cubao, it has always been our efficient and reliable help Ronilo who is my go-to. Mild mannered, respectful and always smiling, he saw too many of my ups and downs as a professional, a political wife, an in-law and now a mom to twins," paglalarawan ni Korina kay Ronilo.

"Kakuwentuhan ko si Ronilo. And ang asawa nyang si Emely ang tanging nakakakuha ng timpla of my fave salted egg prawns."

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

"I saw Ronilo and Emely have two children in this loving family process."

Ayon kay Korina, malaki raw ang naging epekto ng pandemya sa karamihan ng mga tao ngayon.

"They have to go home now to Negros. Ewan ko ba itong pandemic ang epekto sa marami biglang gustong umuwi o mag retire o mag-iba ng buhay."

Pero ang magandang balita raw ay babalik sa kaniya si Ronilo matapos ang tatlong buwan.

"BUT! I convinced Ronilo to come back after 3 months! Babalik daw siya. Sabi ko sa kaniya, hindi ko kaya na wala siya sa paningin ko. You know that feeling of comfort knowing there's someone home you can rely on to be there?"

Pari raw ang anak nila ni dating Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas na sina Pepe at Pilar ay mami-miss din ang dalawa. Nangako naman umano si Ronilo na babalik, kagaya ng kaniyang ipinangako.

Hindi na idinetalye pa ni Korina ang dahilan ng pag-uwi sa Negros ng kaniyang mag-asawang kasambahay.