Posibleng magkaroon ng flashflood at landslide sa malaking bahagi ng bansa dulot ng southwest monsoon o habagat.
Ito ang babala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Lunes batay na rin sa kanilang 24 hours public weather forecast.
Paliwanag ng PAGASA, asahan na ang malalakas na pag-ulan saBicol region, Mimaropa (Mindoro-Marinduque-Romblon-Palawan), Visayas, Caraga, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi ngayong Hulyo 18.
Dahil dito, sinabi ng ahensya na malaki ang posibilidad na magkaroon ng biglaang pagbaha at pagguho ng mga bundok sa mga tinukoy na lugar kapag nakaranas ng patuloy na pag-ulan.
Pinayuhan din ng PAGASA ang publiko na maging alerto at lumikas kapag lumalala ang sitwasyon.