Iba raw ang mga nabasa ng kontrobersiyal na aktres na si Ella Cruz sa mga libro noong nag-aaral pa siya patungkol sa pamilya Marcos, kaysa sa pagkakakilala niya ngayon sa kanila, sa ginanap na grand media conference para sa pelikulang "Maid in Malacañang" nitong Linggo, Hulyo 17 sa Manila Hotel.

"Ang topic in school po na nakilala ko sila dahil siyempre kasama 'yun sa pinag-aaralan ko sa school. Pero after po, doon ko nakita na 'Uy totoong tao sila', tao sila na may mga hindi tama sa mga nababasa natin, nakita ko ho si Senator Imee sa pamilya niya na parang bakit ganun yung nabasa ko sa libro? Eh si Senator Imee, mahal na mahal niya yung pamilya niya."

Napatunayan daw niyang mahal na mahal ni Senadora Imee Marcos ang kaniyang pamilya, taliwas sa mga nauna nang nasabi patungkol dito.

"Yung mga historians po, hindi ko naman kayo meant na ma-offend sa sinabi ko. Of course I respect all the professionals po. Pero ito po kasi yung pagkakakilala ko personally sa ating Senador Imee Marcos," ani Ella.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/18/ella-humingi-ng-tawad-sa-historians-ipinagtanggol-si-sen-imee-iba-pagkakakilala-ko-sa-kaniya/">https://balita.net.ph/2022/07/18/ella-humingi-ng-tawad-sa-historians-ipinagtanggol-si-sen-imee-iba-pagkakakilala-ko-sa-kaniya/

Kaugnay nito, humingi na rin ng tawad si Ella sa mga historyador na nasaling o nasaktan sa kaniyang mga nasabi tungkol sa history.