PANGASINAN - Hindi akalain ng isang ina na magiging mitsa ng kamatayan ng anak ang pagpi-picnic nilang pamilya sa isang beach sa Barangay Balingasay, Bolinao nitong Linggo ng hapon.

Dead on arrival sa Rillera Medical Hospital siJanica Cabana, taga-Brgy. Balingasay, Bolinao, ayon sa ina nito na si Fely Cabana, 35.

Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, nagkayayaan ang pamilya ng bata na mag-picnic sa beach, kasama ang iba pang kamag-anak, dakong 6:00 ng umaga.

Pagkatapos mag-almusal, agad umanong naligo ang bata sa tabing-dagat na lingid sa kaalaman ng inang abala sa pagkain.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Dakong 8:15 ng umaga, nagulat ang ina matapos mapansing lumulutang na sa dagat ang bata at tinangkang buhayin bago isinugod sa ospital.

Kaugnay nito, nanawagan naman ang pulisya sa mga naliligo sa dagat na bantayan nang husto ang kanilang mga anak upang hindi na maulit ang insidente.