Hindi lang mga negosyante sa Occidental Mindoro ang dumadaing sa sunud-sunod na brownout na ipinaiiral ngOccidental Mindoro Electric Cooperative, Inc. (Omeco) kundi pati na rin ang isang pampublikong ospital kung saan nakaimbak ang mga bakuna na posibleng masira dahil sa power crisis.

Sinabi ni Dr. Reynaldo Feradero sa isang television interview, nangangamba sila sa posibilidad na hindi na mapakikinabangan ang coronavirus disease 2019 (Covid-19) vaccine kung masisira ang nag-iisa nilang generator na ginagamit sa OccidentalMindoro Provincial Hospitalsa Mamburao.

Dahil aniya sa nararanasang brownout ay gumagastos sila ng aabot sa₱100,000 sa petrolyo pa lang sa kada 12 oras na nawawalan sila ng suplay ng kuryente.

Ang kanilang sitwasyon aniya ay nararanasan din sa iba pang ospital na pinatatakbo ng pamahalaang panlalawigan.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Nauna nang inihayag ni Occidental Mindoro board member Ryan Gadiano Sioson, chairman ng Committee on Health, nakapagharap na sila ng resolusyon upang Omeco na huwag isama ang lahat ng ospital sa rotational brownout.

Kamakailan, nagprotesta ang mga residente ng San Jose sa nasabing lalawigan, upang mabigyan ng pansin ng pamahalaan ang nararanasan nilang krisis sa suplay ng kuryente.

Walang pang ibinibigay na paliwanag ang Omeco hinggil sa usapin.