Mahigit sa ₱6.2 milyong halaga ng puslit na sigarilyo ang nasamsam ng pulisya at Bureau of Customs sa karagatan ng Zamboanga City nitong Sabado na ikinaaresto ng pitong suspek.

Hawak na ngayon ng pulisya ang mga suspek na sinaBenzar Jajales, 48; Pajing Muknan, 29; Binbin Asiril, 31; Elnejin Asiril, 24; Minkadra Sakili, 39; Sherwin Masakin, 39; at Adzmir Bakki, 32, pawang taga-Sulu.

Ayon sa pulisya, nagpapatrulya sila sa nasabing karagatan, malapit sa Manalipa Island, kasama ang mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) nang mamataan ang bangkang de-motor na nanggaling sa Sulu patungong Zamboanga Sibugay, dakong 1:00 ng madaling araw.

Nang sitahin, natuklasan nilang may karga itong 178 karton ng iba't ibang klase ng sigarilyo na nagkakahalaga ng₱6.2 milyon.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Walang maipakitang papeles ang pitong lalaking lulan ng bangka kaya agad na kinumpiska ng mga awtoridad ang kargamento.

Nangako naman ang mga awtoridad na paiigtingin pa nila ang pagpapatrulya, malapit sa isla ng Manalipa na daanan ng mga smuggler mula sa Sulu patungo sa iba't ibang rehiyon sa Mindanao.

Inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa pitong suspek.

PNA