Muli na namang nanawagan si Raquel Pempengco, ang ina ng singer na si Jake Zyrus, na sana raw ay magparamdam naman ang anak sa kanila, lalo't kamakailan lamang ay pumanaw ang tiyuhin nitong si Rey Relucio dahil sa kanser sa atay.

Ayon sa isang panayam, nagtataka umano si Mommy Raquel kung bakit wala man lamang daw tawag mula kay Jake, na nauna na niyang nasabi nang halos sabay na mamatay ang lola at isa pa nitong tiyuhin noong Abril.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/06/jake-zyrus-wala-raw-paramdam-raquel-pempengco-humingi-ng-tulong-para-sa-namatay-na-nanay-kapatid/">https://balita.net.ph/2022/04/06/jake-zyrus-wala-raw-paramdam-raquel-pempengco-humingi-ng-tulong-para-sa-namatay-na-nanay-kapatid/

Biyernes, Abril 8, sa pamamagitan ng kaniyang manager na si Carl Cabral ay ipinahayag ni Jake ang kaniyang pagdadalamhati at pagluluksa sa magkasunod na pagpanaw ng lola at tiyuhin, ayon sa ABS-CBN News.

Netizens nanggigil sa bortang katawan ni Sam Concepcion; tinawag na ‘daddy’

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/09/jake-zyrus-pribadong-nagluluksa-sa-magkasunod-na-pagkamatay-ng-lola-tiyuhin/">https://balita.net.ph/2022/04/09/jake-zyrus-pribadong-nagluluksa-sa-magkasunod-na-pagkamatay-ng-lola-tiyuhin/

Going back, hindi naman daw pera ang dahilan ng pag-apela niya kundi ang presensiya sana ng anak.

“It’s not about money… Hindi financial. Sana man lang kahit konting emotional support na, ‘Mommy, kaya mo ‘yan, huwag kang mag-aalala. Ingatan mo ang kalusugan mo’,” himutok ni Mommy Raquel.

Ganoon daw ba kalaki ang hinanakit sa kaniya ng anak para talikuran sila?

“Minsan, gusto ko nang sumuko. Minsan naiisip ko, dapat ako na lang ‘yung namatay dahil wala na akong silbi sa pamilya ko,” aniya.

Samantala, hanggang ngayon ay wala pang tugon, rekasiyon, o pahayag si Jake tungkol dito.