Isang malungkot na balita ang ibinahagi ng mom of two at YouTube vlogger na si Kryz Uy sa Skyfam matapos madiskubre ang hindi inaasahang medikal na kondisyon ni Baby Sevi.

Sa kaniyang latest YouTube vlog nitong Linggo, Hulyo 17, ipinaabot ni Kryz sa Skyfam, na na-diagnose ng inguinal hernia ang halos two-month old baby number two nila ni Slater Young.

Ayon sa isang online clinic, ang inguinal hernia ay nangyayari kapag ang isang tissue, tulad ng bahagi ng bituka, ay nakausli sa isang mahinang parte sa mga kalamnan ng tiyan, dahilan ng maaaring pag-inda ng sakit sa nabanggit na bahagi ng katawan.

Pagbabahagi ni Kryz, sa tuwing umiiyak si Sevi ay napapansin aniya niya ang pag-inda nito ng sakit dulot ng hernia.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Unfortunately, Sevi has an inguinal hernia and it needs to get operated on and whenever he cries, it kinda triggers the hernia to bulge out and I know he’s not supposed to be experiencing this pain when that happens but it still hurts my heart to see it. I can’t take it,” bungad ni Kryz sa isang vlog ngayong Linggo.

Matapos ang ilang konsultasyon sa ilang doktor at pagkuha ng second opinion ay sa parehong kondisyon pa rin nauwi ang diagnosis ni Baby Sevi. Sumabay ding magkaroon ng lagnat ang panganay nila Kryz si Scottie dahilan para lalo pang ma-stress ang celebrity mom.

Bagaman nag-aalala, naging hands-on pa rin si Kryz para sa operasyon ni Baby Sevi.

“I have to be present and I have to be strong for Seviboo and for Yaya Durin and for everybody else in this household,” ani Kryz.

“I’m the one who went to the doctors and I’m the one who did all the research. I’m the one who’s always with Sevi. Even though, it’s really been difficult, for me, and even though I am used to having my handheld, I’m gonna try to be the one to be strong this time around,” pagbabahagi ni Kryz.

Sa huli, sa kabila ng operasyon ni Baby Sevi ay grateful pa rin si Kryz para sa aniya’y “greatest life’s luzury,” ang kaniyang pamilya, at ang Skyfam.

Ayon sa parehong vlog ni Kryz, nitong Sabado, Hulyo 16, sumailalim sa operasyon si Baby Sevi.