Naalarma na rin ang pamahalaang panlalawigan ng Negros Occidental matapos maitala ang pagtaas ng bilang ng kaso ng dengue sa lugar.

"I understand we are number 1 now as to the cases of dengue. We try to do something about the situation so we can control the uptick," pahayag ni Governor Eugenio Jose Lacson sa panayam sa telebisyon nitong Linggo.

Naiulat na nagkaroon ng 700 porsyentong pagtaas ng kaso sa lalawigan mula Hunyo 26 hanggang Hulyo 2 kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH)-Region 6, naitala ng lalawigan ang 185 kaso ng sakit na pinakamataas na bilang sa Western Visayas.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Sumegunda naman ang Antique sa naitalang 178 kaso kasunod ang Iloilo na mayroong 114 kaso.

Umaksyon na rin ang DOH matapos magpadala ng response team sa Negros Occidental upang kontrolin ang pagtaas ng dengue cases.

Nauna nang inihayag ng DOH na umabot na sa 5,057 ang kaso sa rehiyon ngayong taon matapos madagdagan ng 574 na panibagong kaso.

Nasa kabuuang 31 ang binawian ng buhay sa rehiyon, kabilang ang tatlong naitala sa Negros Occidental at tig-isa naman sa Antique at Iloilo mula Hunyo 26 hanggang Hulyo 2