Kasalukuyang ini-enjoy ni Kapuso star Kyline Alcantara ang kaniyang South Korea trip ngayong taon.

Matatandaan isa sa mga ambassadors ng Korea Tourism Organizattion (KTO) Manila kaya naman isa sa mga perk, at tungkulin nito ang malibot ang bansa ng tinitingalang home of Korean pop culture.

Sa kaniyang mga Instagram post simula pa Hulyo 11, makikita ang ilang mga kilalang destinasyon na sinadya ng aktres kabilang ang Sondo Central Park, at Dadaepo Beach.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Hindi rin pinalagpas ng aktres ang magtungo sa Busan at binisita rin nito ang ilang nakakalulang rock formation ng Oryukdo bukod sa iba pa.

Nagtila bida sa Korean historical drama din si Kyline suot nag tradisyunal na kasuotang Hanbok.

Noong Hunyo muling nagbukas ang bansang South Korea para sa mga biyahero at turistang Pilipino.

Basahin: South Korea, magbubukas na sa biyaherong Pinoy sa Hunyo – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid